Theme By: Destroyer/Sleepless Powered By: Tumblr.com

Walang magagawa ang pag-post mo ng mga pictures ng mga nasalanta ng bagyo at pag-share nito.

Ayoko ng makakita ng ganyan (picture ng mga patay na tao dahil sa bagyo) sa News Feed ko. Hindi dahil sa nandidiri ako, kundi ay dahil hindi ko makuha ang point ng mga nagshe-share nito.

Kapag ba pinost mo yan e may donasyon kang naitutulong, yung tipong isang share e 100 daan sa foundation chorvakel? Sa pagkaka-alam ko walang ganun. O isa lamang pagpapahayag ng simpatiya. O dahil tumetrending ito kaya nakiki-uso ka?

Information dissemination nga naman, pero ang nangyayari e hanggang dun na lang, meron ang media para gawin yan, tayo e yung reciever, ang tamang feedback e yung pagtulong hindi yung pag-disseminate ulit. 

(Source: theundergroundrockstar)

Posted: Mon December 19th, 2011 at 11:07pm
Tagged: thoughts pinoy
Notes: 4
  1. daryljose reblogged this from theundergroundrockstar
  2. theundergroundrockstar posted this